Linggo, Oktubre 18, 2015

Korupsyon sa Pilipinas

Kailan kaya makakawala sa rehas ng kasakiman ang Pilipinas?




Kamusta na kaya ang Pilipinas? Nakawala na ba siya sa rehas ng kasakiman o nandoon pa din siya gumagawa ng paraan para makawala sa rehas ng kasakiman na naging isang pangmatagalang bangungot?

Ang Pilipinas ay dumaranas ng talamak at malawakang korupsiyon sa pamahalaan nito. Nagsimula ito sa mga naunang namuno sa bansa at hanggang ngayon ay hindi pa din nawawala kumbaga ito ay isang tatu na mahirap ng tanggalin pa. 

May iba't ibang uri ng korupsiyon sa Pilipinas. Ang pitong mga korupsiyon na isinasagawa sa Pilipinas ang pagtakas sa pagbabayad ng buwis, mga ghost projects at payroll, pagtakas o pag-iwas sa subasta sa publiko ng pagkakaloob ng mga kontrata, pagpasa ng mga kontrata, nepotismo at paboristismo, pangingikil, at panunuhol. Una ay ang pagtakas sa pagbabayad ng buwis. Ito ay talamak partikular na sa pribadong sektor dahil sa pagtanggi ng mga nagnenegosyong pribado na dapat na ideklara ang kanilang taunang kinita at magbayad ng mga angkop na buwis sa pamahalaan. Pangalawa ay ang mga ghost projects at pasahod. ito ay ginagawa ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan kung saan ang mga hindi umiiral na proyekto ay pinpondohan ng pamahalaan samantalang ang mga hindi umiiral na tauhan ng pamahalaan o mga pensiyonado ay binabayaran ng mga sahod at allowance. Ang katiwaliang ito ay talamak sa mga ahensiya ng pamahalaan na nasasangkot sa pormulasyon at pagpapatupad ng mga programa at proyekto partikular na sa imprastruktura at sa pagbibigay ng mga sahod, mga allowance at mga benepisyong pensiyon. Pangatalo ay ang pag-iwas sa subasta sa publiko ng pagkakaloob ng mga kontrata. Ang paglisan ng mga mga opisina ng pamahalaan partikular na ang mga komite ng mga subasta at pagkakaloob ng mga kontrata sa pamamagitan ng subasta sa publiko o pagkakaloob ng mga kontrata sa mga pinaborang mga negosyo o kontraktor na makapagbibigay sa kanila ng mga personal na benepisyo. Upang legal na maiwasan ang pagsusubasta sa publiko ng mga kontrata, ang mga ahensiya ng pamahalaan ng bumibili ay magsasagawa ng isang pira-pirasong stratehiya ng pagbili kung saaan ang maliit na halaga ng mga suplay at materyal ay bibilhin sa isang tuloy tuloy na proseo. Sa kasong ito, ang mga kasunduan sa pagitan ng bumibili at suplayer ay ginagawa kung saan ang isang persentage ng halagang presyo ay ibibigay sa namimili na minsang nagreresulta sa sobrang presyo at pagbili ng mga mababang uring mga suplay at materyal. Pang-apat ay ang nepotismo at paboritismo. Ang mga matataas na opisyal ay maaaring maglagay o humirang mga kamag-anak at kaibigan sa mga posisyon ng pamahlaan kahit pa hindi kwalipikado. Ito ay isa sa mga ugat ng kawalang kaigihan at pagdami ng mga empleyado sa byurokrasya. Panglima ay pagpasa ng mga kontrata mula sa isang knotraktor sa isa pa. Sa pagtatayo ng mga proyekto ng imprastruktura, ang mga kontraktor ay may kasanayan ng pagpasa ng mga trabaho mula sa isang kontraktor tungo sa isa pa. Sa prosesong ito, ang isang persentahe ng halaga ng proyekto ay napapanatili ng bawat kontraktor at subkontraktor na nagreresulta sa paggamit ng mga mababang uring materyal o hindi natapos na proyekto. Pang-anim ang pangingikil na ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaan laban sa kanilang mga kliyente sa pamamagitan ng paghingi ng salapi, mahahalagang mga bagay o mga serbisyo mula sa mga ordinaryong mamamayan na nakikipagtransaksiyon sa kanila o sa kanilang opisina. Ito ay talamak sa mga ahensiyang nag-iisyu ng mga clearance at ibang mga dokumento, mga nasasangkot sa pagrerecruit ng mga tauhan o mga nagsasagawa ng mga serbisyon na direktang pumapabor sa mga ordinaryong mamamayan. Pangpito ay ang suhol o lagay Ang sistemang lagay o suhol na akto na ang mga mamamayan ay nanunuhol o naglalagay sa mga opisyal ng pamahalaan ay tumatagal dahil sa byurokratikong red tape. Ang labis na mga kailangang papeles, matagal na pagpoproseso ng mga dokumento, hindi epektibo at hindi maiging pangangasiwa ng mga tauhan at kawalan ng propesyonalismo sa paglilingkod sa publiko ay nagtutulak sa mga ordinaryong mamamayan na maglagay para sa mabilis na pagpoproseso at pag-iisyu ng mga personal na dokumento. Ang karaniwang paraan nito ang pagaalok ng malaking halaga ng salapi sa isang opisyal ng pamahalaan na makakatulong sa pag-iisyu ng mga nais na dokumento sa mga ahensiyang nag-iisyu ng mga lisensiya, permit, mga clearance at mga ahensiyang nagpapasya sa mga partikular na isyu. Ang isa pang paraan nito ang paggamit ng mga fixer kung saan ang mga tao ay nagbabayad sa ilang mga indbidwal na maaari o hindi maaaring mga empleyado ng pamahalaan na magproseso o magtamo ng mga kinakailangang dokumento para sa kanila.

Napakaraming uri ng korupsiyon na maaaring gawin ng kahit sinong nakaupo sa mataas na posisyon ng walang ibang taong nakakaalam kundi siya at ang kanyang katransaksiyon. Walang ibang nakakakita at nakakarinig sa kanilang palalim na palalim na pag-uusap. Walang laban ang mga taong nasa ilalim nila, ang mga taong nasasakupan nila.

Bakit nga kaya hindi mawala wala ang korupsiyon sa Pilipinas? Marahil gawa din ng iba't ibang intensiyon ng mga namumuno. Ang iba'y gusto mangamkam ng pera. Ang iba naman ay gusto ng kapangyarihan. May iba namang gusto talagang umunlad at makabangon sa hirap ang bansa. Ano kaya ang mas titimbang? Ang kasakiman ba o ang kabutihan?

Sa panahon ngayon, dalawa ang ninanais ng mga tao, ang kayamanan o pera at kapangyarihan. Hindi na nakakapagtaka kung bakit ganto na ang nangyari sa bansang Pilipinas. Dahil sa sariling kagustuhan at kapakanan, madaming tao ang naaapakan at nakakawawa. Sa pang-angat niya ay pagbasak ng taong nasa likod niya. Sabi nga nila, pagtutulungan at pagmamalasakit daw ang susi sa maunlad na nasyon. Kung ito nga ang susi bakit hirap na hirap pa din makawala ang Pilipinas sa rehas na ito? Uulitin ko, dahil ito sa sariling kapakanan lang ang iniisip. Gusto nating lahat makabangon sa hirap na ating nadaranasan ngayon pero bakit patuloy pa din natin ginagawa ang mga bagay na alam natin na mas makakapagpahirap sa ating pagbangon. Ito ang problema sa mga Pilipino, basta nakukuha niya ang mga gusto niya ay masaya na siya, hindi man lang iniisip ang kapakanan ng iba. Lagi na lang sarili ang pinagtutuunan ng pansin. Paano na din kaya ang iba?

Ang tanging tanong na hindi mawala sa isip ko ay "Kailan kaya makakawala sa rehas ng kasakiman ang Pilipinas?".

2 komento:

  1. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    TumugonBurahin